|
thereasonIexist
|
|
|
Imperfect
![]() A Whisper from my soul
All things that humans do are all charged to their faults.
God made our mind to control anything and made our heart to balance everything.
But what really lies from that existence depends on one's self.
What you do in your life depends on your strength and courage.
One beginning, different plot, one end; that's the real story of life.
Musings
» Journal: Wind Beneath My Wings» Artwork: When Boredom Strikes » Journal: Sharing a Lifetime » Journal: Forever Ends Tonight » Repost: Pag-Ibig Ayon Kay Bob Ong » Journal: What is HAPPINESS? » Repost: Three Word Phrases » Repost: 10 Signs that You're INLOVE » Musing: Reaching the End of Our Journey » Musing: Another Rant! My life's story
My scribblings » One Shot Library
|
Musing: Stakes of Being a Council Member
Thursday, August 18, 2011
4:46:00 AM
When Aether was formed three years ago, I know that becoming a Council member is a risky task. You should be a leader at the same time a member. Kailangan mo maging leader in a sense na dapat ikaw ang maging halimbawa ng mabuting ihemplo sa mga members. Kailangan mong maging member in a sense na dapat hindi nila mararamdaman na iba ka kesa sa kanila. You have higher authority pero hindi mo dapat iparamdaman sa kanila na mas angat ka sa kanila.
Sa case ng Aether, walang MASTER. Hindi lang iisa ang kailangan mag decide. Lahat ng Council members ay kailangan magbigay ng opinion, positive or negative man ito. And when it comes on deciding, it is much more difficult than giving opinions. Kapag magdedesisyon na, as a Council member, kailangan mong isipin ang pros at cons ng gagawin mong desisyon. So it takes days bago makapag bigay ng iisang decision ang buong Council. Tulad sa bidding, hindi lang overnight yan pinag-iisipan. It takes days bago makapag decide kung saan magbibid.
Being a Council member requires you to sacrifice your time, A LOT. I still remember noong nadiscover ng Aether yung DBC. 10PM start ng event pero 7am na kami natatapos. We tried na bigyan lahat ng members ng Stamp. Nagkaroon ng list nang mabibigyan nang stamp then every Wednesday, yung Councils ang kumukuha na inaabot nga hanggang 7am para lang hindi malaman ng ibang clan kung paano patayin yung boss. For us Councils, fulfilling siya hindi lang dahil AE lang ang may alam kung paano patayin yung boss kundi dahil sa members mapupunta yung stamp.
Then it came, the start of glory days of AE. Lalong naging mahirap ang trabaho ng isang council. Kailangan niyong isipin kung saan kukuha nang pambid, pambili nang supplies nang mga cata bearers. Sumali ang AE sa iba’t ibang ingame, forum, and live events para lang magakaroon ng funds. Then naging stable na ang AE. Akala ko kapag naging stable na, magiging ok na lang o kaya mapapadali na trabaho ko. Yun pala, mas lalo pa siyang humirap. Parang buong taon meron ng naka-ready na calendar of activities para sa mga Council Members.
Weekly – Twice/Thrice a week na meeting para pag-usapan about clan funds and kung saan magbibid at the same time interviews para sa mga nag-aaply.
Monthly – Once a month na real life meeting para mapag-usapan ma-igi ang mga important issues regarding sa clan, long term goals for the clan, at assessment nang mga members.
January – AE Anniversary. Kailangan mag isip kung paano iraraos ang anniv party. Planning kung ano ihahanda, games, prizes, at contribution.
February – Dahil malapit na magstart ang summer, Clan outing naman ang pag-uusapan.
March – Start ng PCW. Alam ko once na nagstart na ang PCW, ito na ang pahanon kung saan hindi sapat na oras lang ang isasakripisyo ko. Halos araw na araw na meetings para sa preparation ng PCW at plans for the clan kung paano makakapasok.
April - August – Territorial Warlord, Jade Warlord, DWars. Dito lumalabas ang pagiging tactician nang bawat isang council. Council members explore the wide possibilities kung ano ang magiging possible score nang clan from start to finish. Kung ano ang magiging galaw from start to finish. At kung mamalasin ka at hindi talaga pinagbigyan nang tadhana ang isa sa mga sobrang daming planong ginagawa nyo, kulang ang isang araw para mag-isip nang panibagong counter-plan. Jade Warlord, mag-iisip na naman kung paano magiging top clan ang clan. Mag iisip nang sangkatutak na events na at the end isa lang naman ang paabrubahan. It doesn’t end there, after ma-approve, iisipin naman ang mga loopholes nung event.
August – Submission nang Representatives. Kung inaakala niyong madali mag-isip nang isasaling representative, you better think twice. Lahat nang napipiling representatives ay napipili batay sa iba’t ibang qualifications. Then maglalatag kami nang mga nominees at pagdedebatehan namin bakit siya an magiging representative.
September – Dawn of Level Up Live. Clan Booth at merchandise. Booth proposal at revisions. Shirt proposal at revisions. Pag-uusapan naman dito ang magiging budget for clan shirts. Budget para sa clan booth sa LUL at other merchandise.
October – Start na nang singilan ng contribution for LUL. Canvass dito,canvaas doon kung saan makakamura sa pagbili at pagpapagawa nang shirt.
November – Level Up Live! Nuff said. Siguro after nang level up live, dito lang ulit babalik sa dating sched ang mga councils – weekly meetings about sa TW lang.
December – Awarding of prizes para sa mga deserving clan members. Several days and nights ulit nang countless debates kung kanino ba ibibigay ang ganito at ganyan. Then another problem na pag-uusapan nang councils ay ang Christmas Party.
Then babalik na naman nang January.
There are currently 18 Council Members – 18 na taong may iba’t ibang opinion. Nagkakatampuhan minsan pero naayaos din. This is not a rant. Gusto ko lang maipakita kung gaano kahirap maging isang Council Member. Most of the time kasi hindi na-a-appreciate nang mga members ang mga hirap na pinagdinaraanan nang isang council member. I am not seeking for any attention, respect, or fame. Gusto ko lang maiparating sa aking mga co-Council Members kung gaano ako ka proud sa kanila. Kahit madaming misunderstandings, hindi nag-iiwanan. Aether is my 2nd family. I love Aether and I love my family. :)
True blooded Aetherian,
Sefiro
Labels: Aether, Perfect World Ph, Random Thoughts, Sefiro |