|
thereasonIexist
|
|
|
Imperfect
![]() A Whisper from my soul
All things that humans do are all charged to their faults.
God made our mind to control anything and made our heart to balance everything.
But what really lies from that existence depends on one's self.
What you do in your life depends on your strength and courage.
One beginning, different plot, one end; that's the real story of life.
Musings
» Musing: Lost Umbrella» Musing: To the August That Changed Me » Musing: In Time » Short Story: Where the Light Finds Us » Short Story: Monsoon Season and the Unwritten Chap... » Musing: I Told Sunset About You » Musing: Voice Memo #7 » Musing: Confessions in the Hazy Shadow » Musing: +1 » Musing: For the Child That I Was My life's story
» July 2006» September 2006 » November 2006 » December 2006 » February 2007 » June 2007 » July 2007 » February 2008 » May 2008 » November 2008 » April 2011 » May 2011 » August 2011 » September 2015 » November 2015 » December 2016 » June 2023 » July 2023 » August 2023 » September 2023 » November 2023 » February 2024 » July 2024 » November 2024 » June 2025 » July 2025 » August 2025 » September 2025 » May 2026 My scribblings » One Shot Library
|
Repost: Pag-Ibig Ayon Kay Bob Ong
Saturday, November 22, 2008
4:27:00 AM
Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya. Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo. Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba. Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na. Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin. Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din. Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang. Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa. Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang. Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? Alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila? Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban para makasama ka. Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo! Labels: Bob Ong, Pag-Ibig, Random Things, Repost |